defying gravity

Ads:
Nagtataka ako kung bakit may mga taong naghahanap ng date this February 14/Valentines Day. Required ba talaga ‘yon para sa mga single, na maghanap ng ka-date tuwing Valentines Day? At para naman sa mga couples, required ba talaga sainyo na magdate every 14th of Febuary? Napaisip din ako no’n eh. Kung ganoon nga ba talaga kaimportante ang araw na ‘yon para sa’ting mga tao, o para sa’ting mga nagmamahal. Ako? Siguro, hindi. Siguro sa kadahilanang nasanay naman na ako na kapag February 14 wala naman akong date. Di naman kasi ako naghahanap. Kung may darating, eh di may dadating, salamat. Pero kung wala, eh di wala masaya parin ako.
Alam ko naman kasi na araw lang yan, at may mga taong naglabel lang sa araw na yan bilang araw ng mga puso, ‘diba?
Basta ako masaya naman ako’t habang nasa ganitong edad ako alam ko na kung paano ba ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig. Hindi sa bitter ako, alam niyo ba na lahat ng ex ko friends parin kami. Kasi ako ‘yung tao na hindi naman dapat maging bitter sakanila, kasi may pinagsamahan kami at mas pinapahalagahan ko ang mga pinagsamahan namin hindi bilang isang magkarelasyon kung hindi bilang isang kaibigan. Sabi nga nila kung hindi maganda ang relasyon nyo, baka hanggang magkaibigan lang talaga kayo.
Maiba lang, namiss ko ang magsulat at namiss ko ang magpost. Pagpasensyahan nyo na ang blurred na litrato kong ‘to.